Problema sa Pera ni Tata
TANGINA. Yan ang masasabi ko sa istorya kong to. Nakakaasar dahil napakadaming Selfish na tao, kahit kapamilya mo nagiging selfish sayo.
Kwento:
Nung Linggo, March 1 2009, nagpunta kami sa Max’s ng medyo katanghalian para dun kumain. Pagkatapos naming kumain ay may nadaanan kaming maraming tindahan na tinatawag ay “Sunday Shop” dahil tuwing linggo lang nagbubukas, bumaba kaming anim at namili, habang kasama ko si *itago nalang natin sa ngalan na* FZ, namili sya ng marami, at nung naalala nya na nakay YT ang kanyang pitaka, nangutang nalang sya saken ng 400 pesos… matapos ang pamimili… pagsakay namin sa Van, biglang humirit si FZ na “Tata, diba sa 2000 pesos ay 500 naman ang tubo mo dun? Wag mo na akong tubuan *with a smiling fcking greedy face*. pero babayaran ko parin ng buong 2000pesos pero kasama na yung nautang ko ngayon.” …walang nasabi si tata at sa sobrang asar ay lumipad sa karimlan ang kanyang pagiisip. Hanggang nakarating na sa bahay. Asar na asar ako, dahil ako, yung mga alam kong makukuha kona na pera ay binibilang ko na kasama ang mga nasakin nang pera. Inasahan ko yun, dahil bawat katapusan ay pinapangakuan nya akong babayaran na nya ako. tatlong beses napako ang pangako, tatlong buwan ang lumipas. Hanggang dumating tong FEBRUARY 28 na pang apat na buwan na. At pinangako nya na babayaran na nya ako sa march 2. Tangina naman. Inasahan ko yung perang yun. USAPAN namin yun. Pinaalala ko sa kanya “*pabulong na sinabi ang ‘tangina naman’*, Nung araw na nangungutang ka lahat ng pangako sanabi mo sakin, nagmamakaawa ka. Walang kaabog abog na binigay ko ang natitira kong pera na 1500 dahil sabi mo kailangang kailangan mo at nasilaw ako sa pangako mong dadagdagan mo ng 500. Tapos ngayon tuwang tuwa ka na sa tingin mo pumayag na ako sa gusto mo na di mo na dadagdagan ng 500 matapos ang tatlong buwan na puro pangakong lumipas?” galit na galit ako to the extent na naiisip ko na lahat ng pinakamasasamang gawin para makaganti sa kasamaang pinakita sakin. Kaya pinangako ko, at sinabi ko sa kanilang lahat. “Kung dati ako ang pinakagenerous na taong kilala nyo. Wag na kayong umasa ngayon. Dahil ako na ang putanginang pinakamadamot na taong makikilala nyo.” Galit na galit ako. Di naman talaga ako nagalit dahil sa pera, kundi dahil wala syang pakialam sa mararamdaman ko at niExpose nya sakin ang pagiging makasarili nya kahit saking kamapilya nya at alam naman nyang di ako mayaman.
Hayz. Salamat nalabas ko din to kahit dito lang sa blog ko. Imagine nyo nalang ha. Kung ikaw ay ako… anong maramramdaman mo?
Nagagalit lang talaga ako sa katotohanan na kitang kita ko sa muka nya ang pagiging selfish nya. Imagine mo, NAKANGITI PA. Tapos pagakatapos ko sabihin yung hinanaing ko, KALA MO SYA PA YUNG BIKTIMA!? KALA MO SYA PA YUNG INAPI!? Bigyan nyo ako ng rason para di ako maasar at baka pag nabigyan nyo ako, sa sobrang bait ng pagiisip nyo pagawan ko pa kayo ng rebulto.